Si Kulas (A Not So Rated PG)





Unang Kabanata



"Aaaaah!"
Humulagpos ang impit na ungol na pilit kong pinipigilan sa aking mga labi.

"Nagugustuhan mo ba baby?"
Malandi nyang tanong sa akin habang umiikot ng pabilog ang perpekto niyang balakang.

Pinili kong hindi sumagot sa kanyang tanong bagkus sinabayan ko ang bawat ulos at pag-indayog na pakiwari mo'y wala ng bukas sa bawat galaw ng aming mga hubad na katawan ni Katarina.

Bumibilis na ang bawat galaw, dama ko na ang nalalapit na silakbo ng damdamin, abot-tanaw na namin ang ika-siyam na kalangitan ng biglang.... tok! tok! tok!

"Hoy kulas! Ano bang ginagawa mo diyan sa kwarto mo? Eh ang aga-aga yumuyugyog ang buong kabahayan! kumakain kami dine ng tatay mo eh naghuhulugan ang mga alikabok galing diyan sa taas!" Ang mabilis at malakas na sigaw ni inay. Hindi na nahiya na marinig ng mga kapitbahay. Kung naabutan ninyo pa si Matutina walang pagkakaiba ang boses ni inay.

Whooosh! Kasama ng malamig na hangin sa umaga ang pagkatunaw ng mga imahinasyong naglalaro sa kukote ko.

"Opo naaaaaay! naririnig ko kayo!" 
Ang inis kong sagot. Kung kailan malapit na saka naman….. Grrrrrr! Si inay talaga! Kung bakit kasi napakaliit ng bahay namin, dalawang palapag nga na yari sa kahoy pero kung kakatukin mo ang bawat haligi halos wala ng laman dahil sa ilang henerasyon ng kolonya ng anay ang may hawak ng titulo ng bahay na to. 

"Eh pagkatapos mo diyan, bumaba ka na rin at makasabay ka sa pagkain namin ng itay mo. Malelate kana sa eskwela."

"Ah-eh! opo nay! sige na po. bababa na!" 


Ako si Niklaus Jared Bontoc o mas kilala sa tawag na Kulas. Nag-iisang anak ng obrero at titser naman ang aking inay sa elementarya. Nasa huling taon ng hayskul sa Hindi Kataasang Paaralan ng Mauban, Quezon. Buti na lang hindi ako inabot ng K-12 Program, kung saan galit na galit si itay sa programa dahil dagdag bayarin lang daw sa eskwela. Ako ay isang normal na estudyante na may normal na utak at may normal na grado. Masasabi kong ako ay palabasa.... ng FHM, Playboy at yung mga kilalang tabloid sa Pilipinas tulad ng Toro, Bomba at Tumbok. Bago ako pumapasok sa eskwela, dumadaan muna ako sa Newspaper Stand ni Mang Toring na kumpare ni Itay upang libreng makibasa ng dyaryo. Lubos ang kalungkutan ko ng mabalitaan kong ipinagbawal na ang pagbebenta sa aming lugar ng mga paboritong kong dyaryo, Ilang araw din akong nanamlay dahil sa pangyayari na yun. Di ko na mababasa ang mga istoryang inaabangan ko araw-araw, Si Curacha ang lubos kong pinanghinayangan, bida sa isang kwento sa dyaryo Ang Babaeng Puro Pahinga, Halos kalahating taon ko na ring sinusundan ang lahat ng pagsubok nya sa buhay. Haaaaay! Kawawang Curacha.

Alas sais y medya na. Nagmamadali na ako sa paglalakad upang maabutan at makasabay si Isabel papuntang paaralan, ang kababata kong sobrang sungit. Tatlong bahay lang pagitan ng aming tinitirhan.

“Ysaaaaaaaa! Hintayin mo ako!” Ang humahangos kong sigaw ng makita kong naglalakad na siya sa kalsada.

“Kuuuh! Ang sarap mong kutusan Kulas! Kanina pa ako naghihintay sayo! Talo mo pa ang pagong sa pagkilos!” Galit at nakapameywang na sigaw niya sa akin. 

“Kung hindi ka lang maganda! Matagal na kitang brineyk.” Ang maamo kong sagot.

Tsugsssh! Kleng! Booog! Boink! Sabay-sabay na sipa, suntok at sapak ang sinalubong nya sa akin.

“Araaaay! Ang aga-aga ng pambubugbog mo!” ang inis-inisan kong sigaw.

“Ibreyk mong mukha mo! Asa ka pang magkagusto ako sayo noh!” At padabog na nagpatuloy sa paglalakad si Isabel. Ako naman ay tatatawa-tawang sumunod sa ubod ng sungit na bespren ko. Ganito kami tuwing umaga. Sabay naglalakad papuntang eskwela, magkaklase kami mula pa ng kinder, sabi nga ng mga titser namin, para daw kaming bolpen at papel na pag pinaghiwalay mo eh wala ng magagawa ang isa. Minsan na kaming nagkahiwalay ng section nung grade 3 pero dahil sa wala naming tigil na pag-iyak sa klase, walang nagawa noon ang paaralan kundi pagsamahin kami ulit. 

“Wew!” ang mahinang namutawi ng aking bibig. Dalaga na pala si Isabel, humahampas pakaliwa’t pakanan ang kanyang balakang sa paglalakad, ang mahaba nyang buhok ay pilit nililipad ng hangin, ang likod nyang kaysarap titigan at ang mahahabang biyas na wari mo’y rumarampa sa entablado kapag naglalakad. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kaseksi ang bespren ko. Erase! Erase! erase! Hindi to pwedeng iniisip ko. Bawal! Hindi talo! Nang may biglang bumundol na malambot na bagay sa likod ko at naamoy ko ang pamilyar na samyo ng pabango. Oo! Malakas ang pang-amoy ko, nakikilala ko ang tao sa pamamagitan ng amoy kahit nakapikit ako. 

“Kulaaaaas! Buti naabutan kita!” ang nagtitiling sigaw ni Katarina habang malanding nakayakap sa likuran ko. Bigla akong napaigtad at napatigil sa paglakad. Pinakiramdaman ang maswerteng parte ng likod ko. Nang mapansin ko si Isabel, kanina pa pala nakaharap sa amin at nanlilisik ang mga matang nagmamasid.

Patay! Litung-lito ako kung paano ko itatago ang unti-unting bumubukol sa pantalon ko.








Kabanata 2



Hahabulin ko ba si Isabel o sasabayan ko na lamang si Katarina? Nakita kaya ni Isabel ang pagbukol ng bandang itaas ng pantalon ko? Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng init ng katawan sa biglaang pagdikit ng pinakamalambot na parte ni Katarina sa likod ko, alam ko rin na sinasadya niya ito dahil sa hindi ko na mabilang na pagkakataon na nangyari to. Matagal ko ng gustong sunggaban ang pagkakataon na makawala sa inosente kong mundo at alam kong si Katarina ang makakatulong sa binabalak ko. Kaya lang natatakot ako sa kung anong magiging resulta ng binabalak ko, naalala ko kasi sa isang talakayan namin sa Sex Education sa klase ay kailangan lang ng egg cell ang pinakamaliit na patak ng sperm cell para mabuntis ang isang babae at narinig ko rin minsan ang usapan nila Manang Karing sa tindahan sa kanto na isinisisi sa bansang China ang ang pagdami ng populasyon sa Pilipinas dahil gawa daw sa bansang ito ang mga depektibong condom na ginagamit nila ni Mang Kadyo kaya ang bunga labindalawang anak na magkakasunod ang pilit nilang binubuhay mag-asawa, kulang ang isang kilong bigas sa isang kainan ng kanilang  pamilya kaya naman kaliwa’t kanan ang utang ng mag-asawa. Delikado, marami akong pangarap sa buhay na baka biglang maglaho kapag itinuloy ko ang plano kong ito. Pero di ko yata kayang iwasan ang alindog ni Katarina lalo na’t gustong-gusto ko ang ginagamit niyang matamis na pabango, parang ang sarap i-consume dahil amoy pa lang ulam na.

“Namiss ko ang mga masel mo Kulas” malanding bulong ni Katarina sabay lingkis nito sa mga braso ko. At nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi ko naman magawang alisin ang pagkakalingkis sa akin ng babaeng sawa na ito dahil sa katotohanan ay gusto ko rin naman ang ginagawa niya. Mas pinili ko na lamang manatili at sumabay kay Katarina, magkikita rin naman kami sa klasrum, di lang mawaglit sa isip ko habang naglalakad kami ng kasama kong sawa sa paglalakad ang tanong na kung bakit tumakbo si Isabel. Alam kong malaki ang galit niya sa mga babaeng maaarte at malalandi kabilang na doon ang kaklase naming si Katarina pero bakit kaya siya tumakbo na hindi naman niya dating ginagawa, tama kaya ang hinala ko na nakita nga niya ang pagbukol ng pantalon ko. Wew! Nakakahiya! Umagang-umaga tapos ganun na lang ang makikita niya. Paano ko kaya siya haharapin mamaya.

Sakto, magsisimula pa lang ang flag ceremony pagdating namin. Humiwalay na si Katarina pagdating sa linya dahil hiwalay ang babae at lalaki sa pila. Mataas sa akin ng isang pulgada si Isabel kaya ng dumaan ako sa pwesto niya ay napasulyap ako, nakayuko lang ito may kapit na panyo ang kaliwang kamay at nakapamulsa naman ang kanang kamay, gusto ko sana siyang lapitan ngunit napilitan akong magpatuloy sa paglalakad papunta sa pwesto ko malapit sa unahan ng pila dahil sumisigaw na ng arms forward ang pinakamaliit naming kaklase sa unahan ng linya. Hindi ako mapakali habang nasa flag ceremony paano naman kasi hindi ordinaryong araw ito dahil mahaba ang seremonyas na ginagawa ngayong araw dahil pinapakilala sa unahan ang mga bagong student teacher na mag-aassist sa mga guro at magkaminsan ay magtuturo sa amin. Gustong-gusto ko ng lumingon sa likod para tingnan si Isabel kung galit ba siya sa akin ng bigla kong marinig ang sigawan ng mga lalaki kong kaklase ng ipakilala sa unahan ang magiging student teacher ng aming seksyon. 

“Ako nga pala si Amanda de Dios, ako ang magiging student teacher ng Fourth year- Section 1 sa ilalim ni Madam Abigail Cruz.”

Napakalamyos ng tinig na nagmumula sa kanyang maliit ngunit kurbadong mga labi. Napatunganga akong bigla ng matitigan ko ang buong kaanyuan ng nagsasalita student teacher sa unahan, Napakaganda niya parang maamong anghel kapag siya ay seryosong nagsasalita at diyosa naman ng landi sa tuwing siya ay ngingiti. Maging hubog ng katawan niya ay hindi mo maipagkakailang panalo na sa Miss Philippines kung katawan lang ang magiging batayan, palagay ko’y may taas siyang 5’6 at 55 kilos naman ang kanyang bigat eksaktong eksakto sa balingkinitan niyang katawan. Kaya pala ganun na lang ang pagsisigawan ng mga maloloko kong kaklase na parang naging sabungan ang flag ceremony. Matapos magsalita ang napakagandang binibini ay yumuko ito para magbigay hudyat na tapos na siyang magsalita at nagpalakpakan naman ang mga kaklase ko maging ang mga guro na nakahanay sa unahan.  

Nakalimutan ko na ang problema ko kay Isabel, sa bagong student teacher namin nakatutok ang atensyon ko habang naglalakad kami papuntang klasrum ay bigla akong inakbayan ni Redz, kaklase namin na palikero in nature pero iniiwasan ng karamihan dahil sa eczema niya sa paa, lagi siyang may dalang stick pangkamot sa loob ng kanyang sapatos.

“Pre, nakita mo ba yun? Ang ganda na at napakaputi pa.” Nakangising  tanong ng mokong sa akin.


“Oo naman, pero ok lang siya. So-so.” Sinabawayan ko ng pagkumpas ng kamay na ang ibig sabihin ay average lang. Kailangan walang makaalam sa plano ko kaya magkukunwari akong hindi attracted sa bago naming student teacher. Liligawan ko siya!


0 comments :

Hanapan ang Blog na Ito