Sipol
Sabi ni inay
Mukha mo aking unang nasilayan
Sa tuwing ako'y umiiyak
Sipol mo sa aki'y nagpapagalak
Nang ako'y magsimulang maglakad
Sipol mo ang naging gabay sa bawat hakbang
Nang dumating ang araw sa laruan nalibang
Magkaminsang silay nawawasak
Walang humpay na iyak aking ipinamalas
Ngunit isang sipol mo lamang ako'y natatahimik
Nagsimulang mag-aral bahay nawalan ng imik
Kakulitan ng bata'y naglahong parang bula
Ngunit sa tuwi-tuwina'y umuuwing malungkot
Mga kamag-aral baon ko'y inuubos
Pag-uwi sa bahay tumatakbong nagsusumbong
Ngunit isang sipol mo lamang galit ko'y inuupos
Umakyat ng hayskul sa pag-aaral tumutok
Ngunit hindi maiwasang pag-ibig ay umusbong
Sa bawat ngiti ng kasintahan puso ay nalulunod
Umuwi sa bahay narinig kang sumisipol
Dahil sa kaligayahang humiling na matutunan
Ngunit hindi katagala'y umuwing luhaan
Pagkat sinisinta'y umalis ng bayan
Sa kalungkuta'y namintana ng ilang araw
Sipol ng pighati sabay nating binabaybay
Nakatapos ng pag-aaral bahay ay lumiwanag
Sipol mong may kagalakan umiindayog sa bakuran
Umalis ng bayan sinundo ng kasakiman
Pinili ang trabahong mala-palasyo ang hinaharap
Kulubot mong pagsipol sa akin ay pinabaon
Dumaan ang ilang taon
Masamang balita ang natanggap
Ang sipol ng aking buhay kinuha na ng maykapal
Sa aking pagbabalik sa lugar na kinalakhan
Sipol na inaasahan katahimikan ang ibinungad
Sa panahon ng pighati bintana'y naging kanlungan
Sama ng panahon sumabay sa kalungkutan
Sabi ni inay
Bago ka tuluyang nagpaalam
Huling sipol para sa paborito mong apo
Pilit mo raw 'sinasatinig
Mga mumunting butil nag unahan sa pagpatak
Kasabay ng ulan na biglaan ang pagbagsak
Dumadamping hangin ramdam ko'y lumalakas
Nang sa di kalayuan may mumunting narinig
Sipol mong kabisado sigurado sa pandinig
Muli mong pinaalala
Malungkot man o masaya
Sipol mong itinuro lagi ko palang kasama

0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...
statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.