Next Page Pls....








Matagal namahinga
Lumayo sa tinta pansamantala
Nagsimula ng bagong kabanata
Pinagbigyan ang pusong uhaw sa kalinga
Tinalikuran ang lahat' umakyat sa kabundukan
Tinamasa ang pagmamahalan
Na sa linya lamang sinimulan
Bagong kapaligiran
Bagong pakikisama
Bagong pag-ibig
Bago ang lahat
Bago
Binago
Nabago
Zaaaaaap!
Ganun kabilis
Ang Tintang gumuguhit ng linya
Unti unti ng humhina
Lahat ng bago
Naluluma
Niluma
Naluma
Teka...
Bakit nga ba ako muling nagsusulat?
Tapos na ba ang isang kabanata?





- this is made last April 2016.

0 comments :

Hanapan ang Blog na Ito