Bukang-Liwayway
Noon
Bago ka nakilala
Ang bukang-liwayway ang nagbibigay ng walang hanggang pag-aalinlangan
Panibagong araw
Panibagong pakikipagbuno sa buhay
Habang naglalakad
At naghihintay sa pagsilip ng liwanag
Unti-unting bumabalik ang mga alaala
Alaala na gustong burahin sa isipan
At ang hinahangad na pag-asa'y kusang naglalaho
Sa pagsikat nang araw ng kalungkutan
Ngayon
Nang sa hindi sinasadyang pagkakataon
Tayo'y nagkakilala
Nagkaroon ng saya, Nagkaroon ng kasama
Kasama sa paghintay ng bagong umaga
Habang naglalakad
At naghihintay sa pagsilip ng liwanag
Unti-unting bumabalik ang mga alaala
Alaala ng sobrang ligaya sa tuwing ika'y kausap
Umaasa na sa pagdating ng araw
Tayo'y magkasama sa paglalakad sa daan ng buhay
Bukas
Umaasam na magkitang muli
Bigyang ningning ang tumutubong sigla
Sabay nating hubdan ang ating kaluluwa
At muling ibahagi ang nadaramang saya
Habang papalapit ang liwanag ng umaga
May takot na nadarama
Takot sa paglisan ng dahilan ng saya
Dahil sa pagsapit ng bukang-liwayway
Kasama ng tawanan sa gitna ng gabi, ika'y maglalaho
Maglalaho sa pagsapit ng bukang-liwayway
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...
statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.
