Mayday
“Mayday! Mayday! Tumigil na sa pag ikot ang huling propeller namin! Hindi na kami aabot sa runway!”
“Babagsak tayo sa Dagaaaat! Mamatay tayo!”
“Senador Dela Cruz! Isuot mo na po ang life jacket mo, tatalon tayo bago bumagsak ang eroplano!”
Takot na takot ang lahat, maliban kay Senator Dela Cruz, Gising ngunit wari’y tuod na kahoy sa pagkakaupo.
"And the Magna Cum Laude of Bachelor in Science in Political Science - Class 2012 is Diana Dela Cruz!”
Clap! Clap! Clap! Nagpapalakpang mga tao sa loob ng auditorium ng De La Salle Taft, Manila.
"We could not gotten here without the love and support of our loved-ones, siblings, friends and family. Let tonight be our thank you to them. I would like to thank my father Senator Dela Cruz for supporting and guiding me through my failures and victory in my studies. He is my hero, his political views encouraged me to follow his footsteps. Thank you and I love you dad!"
“Congratulations Mrs. Dela Cruz! Your daughter is very intelligent. I’m sure na susunod siya sa yapak ng kanyang ama.” Ani ng presidente ng paaralan.
“Maraming salamat din po sa inyo! Hindi nga po nakarating ang aking asawa ngayon sapagka’t may mahalagang bagay siyang inaasikaso ngayon sa Ilocos.”
“Mommy!"
“Sige misis mauna ako sa inyo. Congatulation po ulit at sayo din Iha, pagbutihin mo ang karerang pipiliin mo.”
“Maraming salamat po.”
“Mom, bakit hindi nakarating si Daddy?”
“Siguradong mahalagang bagay ang inaasikaso niya anak. Alam naman natin na gustong-gusto nyang samahan tayo sa iyong pagtatapos.”
“Okay lang yun Mom. Naiintindihan ko po kung gaano niya kamahal ang paglilingkod sa bayan. Siya nga ang Idol ko!”
Biglang dating ng driver ng pamilya. “Ma’am, may masamang balita.”
“Alas singko na pala, didiretso na lang ako sa bahay, dun ko na lang sila hihintayin” ani ni Senator Mariano Dela Cruz.
“Bakit wala yatang tao dito sa bahay?” Sa sobrang pagod sumalampak siya sa sofa, kinuha ang remote ng TV.
Flash Report:
“Magandang gabi Piilipinas! Isang masamang balita po ang natanggap natin mga ilang minuto pa lang ang nakakaraan. Ang sinasakyang eroplano ni Senator Mariano Dela Cruz ay kumpirmadong bumagsak sa karagatan malapit sa Bataan. Sa mga sumandaling ito ay inuumpisahan na ang Search and Rescue Operation sa pinagbagsakan ng eroplano. Hinihingi po naming ang inyong taimtim na pagdarasal para sa kaligtasan ng mga sakay nito. Manatiling nakaantabay para sa mga susunod na detalye.”
“Paanong nangyari yun? eto ako buhay na buhay.”
Dumating ang kanyang mag-ina na humahagulhol ng iyak.
“Sana matagpuang buhay si Dad. Huhuhu!”
“Huwag kang mag-alala anak, mas mabilis pa sa palos lumangoy ang iyong ama.”
“Clarita! Diana! Ano ba ang pinagsasabi nyo, andito ako malakas pa sa kabayo” ngunit tila walang narinig ang mag-ina.
Sa ikatlong araw ng paghahanap, bigo pa ring makuha ang mga sakay ng eroplano. Sa sobrang kalungkutan, pinili ng maybahay ng senador na manatili sa kanilang bahay at tumutok na lamang sa telebisyon at radio para sa latest na balita sa paghahanap sa kanyang asawa.
“Mariano, Ang buong Pilipinas ay naghahanap sa’yo, di ba lagi mo akong tinatanong kung gaano ka kamahal ng bansang pinaglilingkuran mo. Tingnan mo ang buong Pilipinas, nakatutok at hindi nawawalan ng pag-asa na makuha ka pang buhay. Maraming nagmamahal sa’yo, hindi lang kaming pamilya mo. Silang lahat lihim na lumuluha at nagdarasal para sa’yo. Mahal na mahal ka namin! Kung nasaan ka man? Wag mo kaming alalahanin ng mga anak mo, itinanim mo sa pamilyang ito ang katatagan at lakas na harapin ang lahat ng pagsubok ng buhay. Salamat sa’yo mahal kong asawa.”
“Si Senador Dela Cruz ay walang bahid na kasamaan sa paglilingkod.”
“Si senador? Hindi yan kurakot. Mabuting pulitiko yan.”
“Marami na siyang natulungan!”
“Yan ang kilala kong senador na para sa mahirap talaga. Senador ng Masa.”
“Kaming mga staff niya, hindi naming naramdaman na mas mataas siya sa amin. Lagi niyang sinasabi na lahat tayo ay pantay-pantay.”
“Malinis ang record ni senator. Tunay siyang maglingkod sa bayan.”
“Sana buhay si senador! Mahal na mahal siya ng mga kababayan niya.”
Ang mga salitang makikita at maririnig mo sa dyaryo, telebisyon, radyo, kalye, opisina, restoran, bahay maging mga Pilipino sa ibang bansa.
“Senador Dela Cruz! Isuot mo na po ang life jacket mo, tatalon tayo bago bumagsak ang eroplano!”
“Sir!”
“Sir!”
“Masaya na ako Ben, Ginantimpalaan ako ng Diyos na masagot ang tinuturing kong tanong ng aking buhay. Bahala na ang Diyos sa aking pamilya at sa bansa. Tapos na ang misyon ko dito. Sana maging gabay sa mga pulitiko at mamamayan ang mga nagawa kong kabutihan sa ating bansa. Ben, Iligtas mo ang iyong sarili, may plano ang Diyos sa ating lahat. Magtiwala ka lang sa Kanya.”
-the end-
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Pasensya na po... sulat-amatyur lang.
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...
statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.
