Piniritong Manok
"Aray! aray! Kuyaaaaaa!" Sigaw ni Andoy habang tumatakbo palayo sa matandang huklubang humahabol sa kanya.
Humahangos akong sumilip sa bintanang may screen na green ng kapitbahay, Wala akong magawa kundi panooring tumakbo ang kapatid ko.Kaming magkapatid na lamang ang magkasama sa bahay, ang tatay ko hindi ko na maalala, si nanay ang nagpalaki sa amin ni andoy ngunit mag-iisang taon na rin nang huli naming makita si Inay, sumama sa lalaki nya. Bata pa lang ako iba't ibang lalaki na ang nakikita kong kasama nya. hindi ito alam ni andoy, pilit kong tinatago sa kanya, lahat na yata ngpalusot ginawa ko na pati nga aso ng kapitbahay naidahilan ko na rin para lang isalba ang karangalan ng aking inay. Kahit kasi kalantari si inay hindi siya nagpabaya sa aming magkapatid noog kasama pa namin siya.
"Kuya nakita mo ba? Bilis kong tumakbo noh." sabay na kaming naglalakad pauwi sa bahay.
"Sa susunod, wag kang papasok sa bahay na yan kapag nandyan ang matandang hukluban, Hindi ka nyan kaaawaan."
"Opo kuya, hindi ko kasi namalayan na nasa likod ko na pala ang matandang yun."
Walang sinasanto ang matandang hukluban na kapitbahay namin, sa katunayan muntik na rin akong mapatay ng matandang yun hinabol ako ng itak, hindi ko rin naman masisi, wala kasi kaming ibang alam na hanapbuhay kundi magnakaw at maghalukay ng basura. Kanina nga, piniritong manok lang ang gustong nakawin ng kapatid ko. siguro sa gutom na rin kaya nya naisipan yun.
"Saan ka nga pala nagpupupunta maghapon? kanina pa kita hinahanap."
"Doon sa may tindahan ni Mang Huseng, nakipaglaro lang ako kina Leo at Drago." Mga kalaro ng kapatid ko sa labasan ang tinutukoy nya. Iskwater kasi ang tinitirhan namin, maraming pasikut-sikot ang hirap maghananap.
"O sige, may nakuha akong pansit sa basurahan. yun na lang ang paghatian natin"
"Sayang, kung andito si Inay, mas marami tayong kakainin sa hapunan"
Naaninag ko sa mga mata ni Andoy ang kalungkutan, ngunit biglang nagbago ang reaksyon niya. Takot.
"Kuya!?"
"Arghhhhhh!"
Hindi ko napansin na ang matandang hukluban ay kasalubong pala namin sa daan.Tinaga ang kapatid ko!
"Andooooy!" wala na akong narinig na sagot mula sa kanya. Humahangos akong tumakbo palayo sa lugar, tumakbo ako ng tumakbo. Takot na takot. Di mawaglit sa isip ko ang nakahandusay kong kapatid. Gusto ko siyang balikan.
Engggggggggggk! Kssssssst! Isang humaharurot na tricycle sa kalsada ang biglang napahinto.
"Letse! idadamay pa ako sa kamalasan!" sabi ng tricycle driver.
"Lagot ka kuya! nasagasaan mo, mamalasin ka daw pag nakapatay ka ng pusa."
"Miyaaaaaaaaw! Miyaaaaaa.............."
~end~
~end~
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...
statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.