Bakas ng Nakaraan

Noong isang taon
Bago magbagong taon
Isang buong taon
Na wala man lang pagkakataon

Noong isang buwan
Bago ang kabilugan ng buwan
Isang buong buwan
Hindi man lang lumiwanag ang buwan

Noong isang linggo
Bago sumapit ang linggo
Isang buong linggo
Tulirong naghintay na magpalit ng linggo

Noong isang araw
Bago lumabas ang araw
Isang buong araw
Nag-abang lang na lumubog ang araw

Wasak na panahon
Inukit ng kahapon
Dumaan man ang isandaang panahon
Hindi malilimutan ang kahapon

0 comments :

Hanapan ang Blog na Ito