Ang init! Pabili nga po ng lamig!





I
Limandaang piso
Sa lamig ng Antartica maaari kang sumuko (Ocean's Park)

Apatna'daang piso
Maaabot mo na ang Baguio

Tatlong daang piso
Ice Skating sa SM pwede nang makipagbuno

Isandaang piso
Sa malamig na mall libre ka ng makakapagbanyo

Dalawampung piso
Matitikman mo na ang Cornetto



II
Pagkapa sa bulsa
Laman lamang ay barya

Tagaktak ang pawis
Pumunta sa tindahan ng mabilis

Inilabas ang tatlong piso
Pabili nga po ng yelo

Tugon ng dalagang tindera
Ubos na po ang yelo

Wala ng nagawa
Napakamot na lang sa pawis na ulo

0 comments :

Hanapan ang Blog na Ito