Magda




Sumibol ka
Sa hardin ng mga patay
Nagniningning na bulaklak
Sa gitna ng kadiliman

Naturingan kang perlas
Sa dagat ng kamunduhan
Liwanag mong taglay
Sa bawat tagay gumagabay

Kutis mong mala-sutla
Sa mata ng diyablo dinadakila
Ngiti mong sulit
Sa wallet ng parokyano ay pumupunit

Hiyas mong sariwa
Walang dahas mong binaboy
Uod ka man ng lipunan
Sa libog, habambuhay na matatakpan

0 comments :

Hanapan ang Blog na Ito