Alon ng Buhay
Walang mapuntahan
Dinala ng paa sa dalampasigan
Umupo sa buhanginan
Alon ng dagat ay pinagmasdan
Sumapit ang dapithapon
Pakiwari ko'y lumalakas ang alon
Umatras nang di kalayuan
Napaupong muli sa buhanginan
Liwanag ay nawala, pumalit ay kadiliman
Lumabas ang kalungkutan
Di napigilang humikbi ng marahan
Yumuko ng bahagya nakaidlip ng tuluyan
Pagmulat ng mata papalabas na araw ang namasdan
Kislap ng karagatan matimong pinagtuunan
Gumugulong suliranin
Unti-unting lumalabas ang kasagutan
Di nagdalawang-isip, tumakbo sa karagatan
Malalakas na bigwas ng alon pilit nilabanan
Tumingala sa kalangitan
Lubos na kaligayahan ang naramdaman
Bumalik sa buhanginan
Pagkit ang ngiti ng kasiyahan
Umalis ng dalampasigan
Dala-dala'y katapangan
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...

statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.