Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado
Pero desidido
Naglakad
Nag-isip
Naglakad ng naglakad
Nawalan ng laman ang isip
Dumayal
At kunwa'y nagtanong
Humiling na makasama
imbitasyo'y pinagbigyan
Naghihintay sa lamig
Nag-aabang sa dilim
Unang sulyap
Sa lakad nakilala
Wari ko'y diwata
Na tumatawid sa kalsada
Sa iyong paglapit
Ngiti'y sumilay
Inabangang kagandahan
Higit pa sa inaasahan
Dila'y umurong
Muntik ng malulon
Sa pagsasalita
Ika'y naging taya
Sa lamig ng Baguio
Bibig ay nagyelo
Walang mapuntahan
Nagkasundong mag-inuman
Ramdam ang ilang
Ngunit mata'y nalilibang
Di kinakaya
Mga titig mong nananadya
Gabing lumalalim
Alak ay sumisiim
Ilang ay naglaho
Sinubok ng pagsuyo
Mga mata'y nagmamasid
Nakikipag-unahan sa pagkilala
Libangan ng dalawa
Magtantiya't mag-obserba
Nagsalita't nag-usap
Ngunit walang hihigit sa mga matang nangungusap
Mga matang nakakatunaw
Mapulang labi kaysarap titigan
Ngunit oras ay nauubos
Takot ang humuhulagpos
Pagtatapos ng gabi'y sumapit
Sa taxi ay nakisiksik
Ramdam ang nalalapit na paglayo
Kasabay ng bilis ng tibok ng puso
Habang iyong kamay ay tangan
Humiling ng mabilisan
Di katagala'y pinagbigyan
matamis na halik ay nakamtan
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...

statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.