Great Wall
Walang panitik na hahamon
Sa pag-ibig na yumayabong
Halimuyak mong tangan
Na sa aki'y nagpapahibang
Sa tuwing magsasalubong sa manipis na daan
Bigay kong ngiti, sukli mo'y irap
Sa daang ito ako ay nagnilay
Ito lang pala ang lugar na tayo ay pantay
Mula sa aming tarangkahang palasak
Abot-tanaw ang inyong bakurang bubog
Diyosa kang natatangi sa malapalasyong tirahan
Ako nama'y prinsipeng naturingan sa barung-barong na wasak
Palibahasa ako'y laki sa hirap
At ang kutis mo nama'y alaga sa lingap
Hindi makakaila na walang patutunguhan
Masidhing damdamin, isisilid na lang ng mahimbing
-adiĆ³s mi amor-
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...

statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.