Ukrabi



Siya ang napili kong dalhin sa tatlong mga anak ni Kate. Ayoko dati sa aso na nasa loob ng bahay, ayoko rin sa aso na makapal ang balahibo, pero lahat nagbago, lahat binawi ko. Naalala kasi kita, yung reaksyon mo sa tuwing nakakakita ka sa daan ng cute at fluffy na aso, gusto mong pisilin, kargahin at yakapin kulang na nga lang ay itakas at iuwi mo ang cute na aso. Eto yung hiniling mo dati, na kapag magkasama na tayo sa bahay ay dapat may alaga tayong aso na fluffy. Eto na siya. Kaya lang di na tayo magkasama. Pangalan niya nga pala ay Ukrabi. 






0 comments :

Mag-post ng isang Komento

Cancel Reply

Hanapan ang Blog na Ito