Si Isabel (A Not So Rated PG)
You: “Hmmmmmm… Scott…
Please take off all your clothes and jump into my bed.”
Stranger:
“Yes Ysa! I am so turned on right now. You’re very sexy tonight!”
You: “Please
I need a naked cuddle! Come here!”
Stranger:
“ Lie back naughty girl! I’m going to make
you come until you can’t breathe.”
Stranger:
“I could spend hours between your
legs; teasing… sucking; sipping; tasting you Ysa”
You: “Aaaaaah!
Oh please Scott, Don’t stop!”
“Ysa!”
“Ysa!”
“Gising
ka na ba?” Nang biglang bumukas ang pinto at sumilip ang ulo ni inay. Buti na
lang hindi nya napansin na nakabukas ang laptop.
“Ysa,
Knina ka pa pala gising, hindi ka umiimik diyan. Bumaba kana. Kakain na tayo.”
“Opo
nay, susunod na po.” Ang kunwa’y antok na tinig.
“Bye
Scott. I need to go.” At pinindot ko na ang DISCONNECT button. Nagpapaalam na
ako sa estrangherong kano na kachat ko magmula pa kaninang alas tres ng umaga.
Hook na hook ako sa websayt na sikat na sikat sa mga kilalang unibersidad dito
sa Pilipinas. Ang emegle.com ----- isang sayt na pede kang makipag-usap sa
estranghero. Ilang buwan na rin akong regular na gumagamit ng sayt na ito at
nitong mga huling araw napag-alaman ko na hindi lang pala pakikipag-usap ang
pwedeng gawin dito.hihihi! meron pa palang mas magandang gawin kesa sa
pakikipag-usap. xd! Hmmmm… Kelan nga ba ako namulat sa ganitong bagay. Ah alam
ko na.. noong nakaraang buwan nahuli ko si Kuya Gani na nanonood ng porno sa kanyang
kompyuter sa loob ng kwarto at parang may kung anong bagay sa ilalim ng
kompyuter teybol ang inaalog niya. Hindi ko na masyadong pinansin yung inaalog
nya kung bote man yun o kung ano, ang tumawag ng atensyon ko ang babae at ang
lalakeng hubo’t hubad sa palabas sa kompyuter. Bigla akong napasigaw at
nagtatakbo palabas ng kwarto ni kuya hindi dahil sa nakikita ko kundi sa
naramdamang kong biglang may sumirit na kung anong kuryente sa katawan ko.
Hihihi! Ang landi ko! Pagkatapos ng pangyayaring yun lagi ng nakalock ang
kwarto ni Kuya Gani. At dun nagsimula ang pag-eksplor ko sa mundo ng “kababalaghan”.
Hindi
muna ako dumiretso ng kusina pagkababa ko, tumakbo ako palabas ng bahay papunta
sa bahay nila Kulas, sisiguraduhin kong gising na ang mokong na yun. Lagi na
lang kaming leyt nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang bagal kumilos ni
Kulas. Nakagawian na kasi naming magkaibigan na sabay maglakad sa pagpasok sa
eskwela simula pa noong elementarya hanggang ngayon na nasa huling bahagi na
kami ng hayskul.
"Hoy kulas! Ano bang ginagawa mo diyan sa
kwarto mo? Eh ang aga-aga yumuyugyog ang buong kabahayan! kumakain kami dine ng
tatay mo eh naghuhulugan ang mga alikabok galing diyan sa taas!" Kakatok na sana ako
pinto ng bahay nila Kulas nang marinig ko ang sigaw ni Aling Matutina este Ma’am
Lourdes ---ang nanay ni Kulas. Kakaiba ang boses ni Ma’am Lourdes matinis na
malakas siguro nahubog ang boses na iyon dahil isa siyang guro. Naalala ko pa
nung grade 3 kami, natanggal si Kulas sa Seksyon 1 dahil sa mababang marka.
Hindi ako tumigil ng kakaiyak ng malaman kong hindi na kami magkaklase. Maging
si Kulas ay umiyak din, pati si Ma’am Lourdes ay walang nagawa kundi pakiusapan
ang principal na pagsamahin muli kaming dalawa. Hindi gaanong matalino si Kulas.
Pero magaling sa diskarte sa buhay. Madaming alam na gawain, minsan sa isang
buwan isinasama siya ng kanyang itay sa trabaho upang kumita ng sariling niyang
pera. Sa ganoong paraan naging matipuno ang pangangatawan ni Kulas bukod pa sa
kanyang angking kagwapuhan, kaya maraming babae sa paaralan ang palihim na
nagdedeliryo sa tuwing masusulyapan nila ang bespren ko.
"Opo naaaaaay! naririnig ko kayo!" ang naiinis na sagot ni Kulas. Hindi
ko na tinuloy ang pagkatok ko sa pinto at patingkayad akong tumakbo pabalik sa
aming bahay para kumain na rin, nasiguro ko ng gising na ang tukmol kong
kaibigan.
Alas sais
bentesingko pagtingin ko sa orasan. lumabas na ako ng bakuran upang hintayin si
tukmol malapit sa tarangkahan.
Ako si
Isabel Flores De Mayo nasa ikaapat na taon sa hayskul. Si itay ay isang OFW sa
Saudi at si inay naman ay nasa bahay lang, siya ang nag-aasikaso sa aming magkapatid,
Ang kuya Gani ko ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo, laging pinagagalitan ni
Inay dahil kalimitan lasing kung umuuwi. Pati ako nadadamay sa tuwing ang
kapatid ko ay pinagagalitan, wag na wag daw akong tutulad sa kapatid kong lasenggero
dahil kung hindi lalayasan daw kami ni inay at bahala na kami sa buhay namin.
Mas maayos ang kabuhayan ng pamilya namin kumpara sa pamilya ni Kulas, dahil si
Itay ay 5 beses ng nagpabalik-balik sa Saudi bilang isang welder. Nabibili
naming magkapatid ang mga leytest na gadget. Kabaligtaran naman ng kalagayan ni
Kulas, walang selpon at walang kompyuter, kaya pagkaminsan lalo na pag may
proyekto kami eh sa kwarto ko naglalagi ang mokong para makapag-internet kapag
may libreng oras. Kumportable na ang mga pamilya namin lalo na si inay sa aming
dalawa ni Kulas kaya maging sa loob ng kwarto ay hindi kami pinag-iisipan ng
masama. Ambilis ng panahon, naalala ko noon sabay pa kaming naliligo ni Kulas
tuwing summer, Inilalabas ni inay ang portabol swimming pool na binili pa ni
itay sa Saudi. Doon kami nagtatampisaw maghapon ni Kulas. Ngayong mga dalaga’t binata
na kami piling-pili na ang bawat kilos ko sa harapan ni Kulas. May pagtingin
ako kay Kulas pero natatakot akong umamin sa kanya. baka one-side love affair
to. Baka hanggang kaibigan lang ang turing nya sa akin. Gusto ko lagi akong
maganda sa paningin ni Kulas, Pinahaba ko ang buhok ko dahil maganda daw sa
babae ang mahaba ang buhok ayon kay Kulas, hindi ako nagmemeyk-ap o naglalagay
ng kahit anong kolorete sa mukha dahil simple lang na babae ang gusto ni Kulas
at higit sa lahat ang gusto ni Kulas ay seksi, kaya araw-araw may listahan ako
ng calories na na tineteyk ko, naging body conscious ako ng dahil kay Kulas. Pati
ang tamang paglalakad ay pinag-aralan ko para maging sa aking seksing lakad ay
mapansin ito ni Kulas.
“Kuuuuuuh! Alas
y’ medya na! Batugan talaga ang tukmol na yun!” nagsimula na akong maglakad
ayaw ko ng maleyt ulit sa klase.
“Ysaaaaaaaa! Hintayin mo ako!” Ang humahangos na
sigaw ni Kulas sa likuran.
“Kuuuh! Ang sarap mong kutusan Kulas! Kanina pa ako naghihintay sayo! Talo mo pa ang pagong sa pagkilos!” Galit at nakapameywang kong sigaw sa kanya.
“Kung hindi ka lang maganda! Matagal na kitang brineyk.” Ang maamo niyang sagot.
Tsugsssh! Kleng! Booog! Boink! Sabay-sabay na sipa, suntok at sapak ang sinalubong ko sa kanya. Lagi ko syang binugbog pag nasusukol ako ng mga ganitong pagkakataon. Ayaw kong makita nya ang pamumula na aking mukha dahil sa mga sinasabi nya. Mabilis akong magblush lalo na kapag nakakatanggap ng compliment mula kay Kulas.
“Araaaay! Ang aga-aga ng pambubugbog mo!” ang inis na sagot ni Kulas.
“Ibreyk mong mukha mo! Asa ka pang magkagusto ako sayo noh!” At padabog akong nagpatuloy sa paglalakad. Tumalikod ako agad sa kanya. Ayaw kong mabasa niya sa mga mata at sa namumula kong pisngi ang tunay kong nararamdaman sa kanya.
“Kuuuh! Ang sarap mong kutusan Kulas! Kanina pa ako naghihintay sayo! Talo mo pa ang pagong sa pagkilos!” Galit at nakapameywang kong sigaw sa kanya.
“Kung hindi ka lang maganda! Matagal na kitang brineyk.” Ang maamo niyang sagot.
Tsugsssh! Kleng! Booog! Boink! Sabay-sabay na sipa, suntok at sapak ang sinalubong ko sa kanya. Lagi ko syang binugbog pag nasusukol ako ng mga ganitong pagkakataon. Ayaw kong makita nya ang pamumula na aking mukha dahil sa mga sinasabi nya. Mabilis akong magblush lalo na kapag nakakatanggap ng compliment mula kay Kulas.
“Araaaay! Ang aga-aga ng pambubugbog mo!” ang inis na sagot ni Kulas.
“Ibreyk mong mukha mo! Asa ka pang magkagusto ako sayo noh!” At padabog akong nagpatuloy sa paglalakad. Tumalikod ako agad sa kanya. Ayaw kong mabasa niya sa mga mata at sa namumula kong pisngi ang tunay kong nararamdaman sa kanya.
“Kulaaaaas! Buti naabutan kita!” ang
nagtitiling sigaw ang narinig ko. Sa aking paglingon nakita ko ang kaklase
naming kerengkeng at patay na patay kay Kulas na mahigpit na nakayakap sa likod
nito. “Grrrrrrrrrrrrrrrrrr!” Nanlilisik ang mga mata kong tinitigan kung paano
maglambitin na parang unggoy ang babaeng haliparot. Lintek na babaeng to! Sa
tagal naming magkaibigan ni Kulas ni hindi ko man lang nayakap ng ganyang
kahigpit ang love of my life!
Ngunit sa di inaasahang pagkakataon bumaba ang
tingin ko sa may pantalon ni Kulas dahil kapansin-pansin ang unti-unting
pag-umbok nito. Biglang nag-init ang pakiramdam ko, nagliliyab ang buo kong
kutawan, nararamdaman kong muli ang pagsirit ng kung anong kuryente sa buo kong
katawan. Wala akong nagawa kundi tumalikod at tumakbo palayo. Kelangan kong
tumakbo para kalmahin ang weirdong nararamdaman ko.
“Ano bang pakiramdam to?” Hingal na hingal at mahina
kong usal sa sarili. Malapit na ako sa geyt ng paaralan ng maisipan kong
tumigil sa pagtakbo.
Itutuloy……
0 comments :
Hanapan ang Blog na Ito
Naka-feature na Post
Isang Gabi Sa Baguio
Hindi planado Pero desidido Naglakad Nag-isip Naglakad ng naglakad Nawalan ng laman ang isip Dumayal At kunwa'y nagtanon...

statistics
Share this Post
Dee-em Chavez. Pinapagana ng Blogger.